Pages

Friday, July 27, 2018

God Orchestrates a Harmonious Love StoryJun and Ruby Patagnan Love Story



Sa pagsasayaw
mas masaya kung may kasama ka. Bihira kong makasama ang mga magulang
kong nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakasawa ang mag-isa. Sa pamilya namin, ginagamit ang musika upang
sumamba sa Panginoon.

Pastor kasi ang tatay ko. Pero kahit na lumaki ako sa simbahan, 'di ko ito sineryoso. Sa dinami-dami ng mga babae sa eskwelahan, ako ang nagustuhan niya. Tahimik siya.
Palangiti.

Ang ganda niya. Buti na lang at pumayag siya
na maging girlfriend ko. Wala na naman sina Papa sa bahay. Buti na lang nandito ka.

Dito lang naman ako para sa'yo eh. Pareho kami ni Jun --
naghahanap ng atensyon. Bihira naming makasama
ang mga magulang namin. Pero okay lang.
Andiyan naman si Jun.

Kumbaga sa musika,
nakahanap ako ng ka-duet. Mssaya na nakakakuwentuhan ko
si Ruby sa ganitong mga bagay. Halos sa lahat naman ng bagay, kami ang nandiyan
para sa isa't isa. Hanggang sa isang gabi...

Nagbabasa ka na naman.
Ang dilim-dilim. Pahinga ka na lang. Ginawa mo yun? Wala kang kuwenta! Bakit sakin nangyari ito? Pagtapos naming gawin iyon, parang nawala na sa tiyempo
ang relasyon namin ni Ruby. Wala na rin akong mukhang
maiharap pa sa Diyos.

Inamin ko kay pastor
ang nangyari sa amin ni Ruby. Pastor, nakapag-commit po kasi
kami ng premarital sex. Tinulungan kaming dalawa
ni Jun ng simbahan. Pinayuhan nilang maghiwalay kami para matutunan naming unahin
ang Diyos sa buhay namin.

Ang hirap. Unang una,
hindi ako sanay na wala si Jun. Pangalawa, mahirap tanggapin sa sarili ko na pinatawad na ako ng Panginoon. Ui Ruby, andyan ka na pala.

Halika, sama ka dito sa amin. Ngunit habang binabasa ko ang Salita ng Diyos, muli Niya akong nilalapit sa Kanya. Therefore, there is now no condemnation for those who are in Christ Jesus. Parang Siya ang ka-date ko.

Sa bawat pahina ng Bibliya, naririnig ko ang Panginoon na inaawitan ako ng isang love song. Inalis Niya ang mga kasinungalingan na nagpapatigas ng aking puso. Nakita ko ang katotohanan. Binigay nga sa atin ng Panginoon si Hesukristo para sa ating mga kasalanan.

Noong naghiwalay kami ni Ruby, akala ko mag-isa na naman ako sa buhay. Pero hindi pala. Ang Diyos ang kasayaw ko habangbuhay. Ang sex ay after ng marriage.

Simula noon natuto akong
gumalaw sa galaw Niya. Nagkabalikan kami ni Ruby. Sa pagkakataong ito, gusto na naming gawin ang tama. Natutunan ko na kapag mahal mo ang isang tao, rerespetuhin mo siya at hindi ka gagawa ng mga bagay
na makakasama para sa kanya.

Nagpapasalamat ako sa Diyos
sa pangalawang pagkakataon na binigay Niya sa amin ni Jun. Ilang taon ang nakalipas ay kinasal kami ni Jun. At ngayon ay nararanasan namin  ang pagpapala ng Diyos sa aming relasyon bilang mag-asawa. Nagdesisyon kaming gamitin ang aming pinagdaanan para tumulong at gumabay sa
ibang mga kabataan sa simbahan.

Gusto ni Lord na ma-enjoy
niyo yung relationship. So hindi Niya gusto na
ikaw mismo masaktan ka. Gawin niyong center si Lord
sa relationship niyong dalawa. Siya yung number 1 na mag-guide sa inyo sa lahat ng magiging desisyon niyo..

God Orchestrates a Harmonious Love StoryJun and Ruby Patagnan Love Story

No comments:

Post a Comment